Para sa mga bukas ang puso't isipan at naghahanap ng kasagutan sa milyon dollar na katanungan: ako ba ay ligtas at pupuntang langit sa oras na ako'y bawian ng hiram na buhay?
Sana bigyan ng Diyos sa langit ng tiyak na kasagutan ang tanong ng inyong puso dahil minsan lang tayong mabuhay sa mundo, pagkatapos nito ay ang walang hanggan....

May dalawang "anghel" na may dalang mabuting balita ang naglalakad sa daan. May nakita silang isang babae at ito’y kanilang kinausap.

Hello, ma’am. Magandang araw po. Kumusta po kayo?
Mabuti naman. Kumusta kayo?
Mabuti rin naman po. Ako po si Mercy.




At ako naman po si Grace. Nais po namin kayong anyayahan sa Daan ng Katotohanan at ibahagi sa inyo ang Salita ng Buhay. Kayo po ba ay naniniwala sa Diyos?

Oo naman. Naniniwala ako sa Diyos kahit hindi ako palaging pumupuntang simbahan ngunit sinasamba ko ang Diyos sa sarili kong paraan.
Maaari ko bang itanong ito: kung ikaw ay mamatay ngayon, pupunta ka ba sa langit?
Hindi ko alam. Sana.

Kung gusto nyo pong makatiyak, nais naming ibahagi sa inyo ang daan patungo sa kaligtasan. Handa po ba kayong makinig?



Salamat sa iyong bukas na puso’t isipan. Ang unang hakbang tungo sa iyong kaligtasan ay ang pagpapakumbaba at aminin sa Diyos na ikaw ay isang makasalanan at hindi mo kayang iligtas ang iyong sarili.
Yeah, sure. Sabihin nyo sa akin habang tayo’y naglalakad.

Nasusulat sa Banal na Kasulatan, Roma 3:10, "Walang matuwid, wala, kahit isa."
Roma 3:20, "Sapagkat walang sinumang ituturing na matuwid sa harapan ng Diyos..."
Roma 3:23, "Sapagkat ang lahat ay nagkasala, at hindi nakaaabot sa kaluwalhatian ng Diyos."
Matthew 19:17, "Walang mabuti kundi isa lamang at iyon ay ang Diyos."

Ang unang hakbang sa kaligtasan ay tanggapin ang katotohanan na ikaw ay makasalanan at sumusuway sa mga utos ng Diyos at hindi karapat-dapat makapasok sa langit dahil sa iyong mga kasalanan.

Ayon sa salita ng Diyos, walang ni isang matuwid. Walang ni isang hindi nagkasala. Lahat ay nakagawa ng kasalanan sa isip, sa puso, sa gawa at salita. Ang kasalanan ay pagsuway sa mga kautusan ng Diyos at paggawa ng mga bagay na hindi nakakalugod sa Kanya. Lahat ay hindi nakasunod sa Kanyang kabanalan..


Ang ikalawang bagay na dapat mong malaman ay ang kasalanan ay may kaparusahan, o kabayaran. Tulad ng kapag ang isang tao ay nagnakaw o nakapatay ng tao, siya ay dadakpin, ikukulong at parurusahan ayon sa batas panlupa. Ganun din sa batas panlangit. Ang ating mga kaluluwa ay nakakakulong dahil sa kasalanan. Sinasabi ng Biblia sa Roma 6:23, "ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan."


Ang kamatayan ay nakapasok sa mundo dahil sa kasalanan ni Adan at Eba sa hardin ng Eden. Dahil sa pagsuway nila sa utos ng Diyos, napalayas sila sa Paraiso at nagkaroon ng kamatayan. Kung walang kasalanan, wala sanang kamatayan ang tao. Sinabi sa Biblia: Hebreo 9:27, "itinadhana sa tao ang mamatay nang minsan, pagkatapos nito ay ang paghuhukom."

Ang kabayaran ng kasalanan ay pisikal na kamatayan: ang pagkawasak ng ating pisikal na katawan at ang kaluluwa ay itatapon sa impiyerno. Sinabi ng Biblia, Mateo 10:28, “At huwag kayong matakot sa mga pumapatay ng katawan, subalit walang kakayahang pumatay ng kaluluwa. Sa halip ay matakot kayo sa KANYA na may kapangyarihang pumuksa ng kaluluwa at ng katawan sa impiyerno.”
Sinabi rin sa Bibliya sa Apocalipsis 20: 14-15, "At ang kamatayan at ang impiyerno ay inihagis sa lawa ng apoy, ito ang ikalawang kamatayan. At ang sinumang hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay ay itinapon sa lawa ng apoy." Pagkatapos ng kamatayang pisikal ay ang pagdurusa ng kaluluwa sa imperno. Pagkatapos ng isang libong taon, ay ililipat sila sa lawa o dagat-dagatang apoy na tinatawag na ikalawang kamatayan.
Tama... Ang Diyos ay pag-ibig at maawain, ngunit Siya ay banal din at kaaway ng masasama. Itinapon Niya sa imperno ang mga anghel na sumuway sa Kanya at ayaw Siyang sundin. Hindi Siya nagbibiro nang nagpadala Siya ng baha sa lupa at 8 tao lamang ang nakaligtas. Hindi rin Siya nagbibiro nang sinunog Niya ang Sodom at Gomorah dahil sa kanilang kasamaan. Pinarurusahan Niya ang lahat ng kasalanan. Walang kasalanan ang makakapasok sa langit at lahat tayo ay nagkakasala at karapat-dapat itapon sa impiyerno at lawang apoy. Ngunit mayroong magandang balita ang Diyos para sa iyo!
Nakakatakot na parusa. Pero di ba ang Diyos ay pag-ibig at maawain?



Ang magandang balita ay nagpadala ang Diyos ng Tagapagligtas! Pinadala Niya ang Kanyang bugtong na Anak na si HesuKristo upang iligtas ang tao sa kanyang mga kasalanan. Sinabi ng Biblia sa 1 Timoteo 1:15 na si Cristo Jesus ay naparito sa mundo upang iligtas ang mga makasalanan. Sinasabi sa Roma 5: 8 “Ipinakita ng Diyos ang Kanyang pagmamahal sa atin na, habang tayo ay mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay para sa atin.”
Ano ang magandang balita? Gusto kong malaman.



Si Jesu-Cristo sa pasimula ay ang Salita na kasama ng Diyos. Siya’y Diyos, na nagpaka-tao, ipinanganak sa isang birhen; namuhay sa mundo ng mga tao na walang kasalanan. Itinuro Niya sa mga tao ang kaharian ng Diyos at ang daan patungong langit. Pinagaling Niya ang mga maysakit at gumawa ng maraming kamangha-manghang bagay at mga himala. Ngunit hindi lahat ng tao ay naniniwala sa Kanya at sa Kanyang mga turo. Ipinako Siya sa krus. Maluwag sa kalooban na tinanggap Niya ang parusang kamatayan na nararapat lamang sa mga makasalanang tulad natin. Ginawa Niya iyon upang bayaran ang kasalanan ng lahat. Dinala Niya ang ating mga kasalanan sa Kalbaryo, naghirap, nagbuhos ng dugo at namatay Siya para sa atin. Siya ay inilibing sa lupa. Paglipas ng 3 gabi at 3 araw, Siya ay muling nabuhay mula sa mga patay at nagpakita sa Kanyang mga kaibigan at sinabihan sila na ipalaganap ang magandang balita ng kaligtasan. Siya'y umakyat sa langit at nangangakong magbabalik para sa mga nananampalataya sa Kanya upang dalhin sila sa Kanyang kaharian sa langit.
Si Jesus Cristo ay namatay para sa mga makasalanan tulad natin upang bayaran ang ating mga kasalanan ngunit hindi ibig sabihin automatic tayong maliligtas. Hindi ibig sabihin na awtomatikong nakamtan na natin ang buhay na walang hanggan. Merong hinahanap o hinihingi ang Diyos sa atin upang tayo ay maligtas?
Ano ang hinihingi ng Diyos kapalit ng kaligtasan? Ano ang dapat kong gawin upang makamtan ang buhay na walang hanggan?
Simple lang at hindi mahirap: Sabi sa Mga Gawa 16:31, "Sumampalataya ka sa Panginoong Jesucristo at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sambahayan."



Sinasabi sa ebanghelyo ni Juan 3:16-18, "Sapagkat inibig ng Diyos ang sanlibutan kaya ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na Anak upang ang sinumang sumampalataya sa Kanya ay hindi mapapahamak ngunit magkaroon ng buhay na walang hanggan...Sinugo Niya ang Kanyang anak upang ang sanlibutan ay maligtas sa pamamagitan Niya. Siya na sumasampalataya sa Kaniya ay hindi hinahatulan. Ang hindi sumasampalataya ay nahatulan na sapagkat siya ay hindi sumampalataya sa pangalan ng bugtong na Anak ng Diyos. " Sinasabi ng Juan 3:36, "Siya na sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan. Ang hindi sumasampalataya sa Anak ay hindi makakakita ng buhay. Subalit ang galit ng Diyos ay nananatili sa kaniya."
Ang pangalan ko ay Faith. Yan lang ba ang gagawin? Maniwala ka lang?
Kaya, upang maligtas mula sa galit ng Diyos, upang makamit ang kaligtasan, dapat mong ilagay sa Kanyang Anak ang iyong pananampalataya, pananalig at pagtitiwala. Pagtiwalaan Mo si JesuKristo na namatay para bayaran ang iyong kasalanan. Siya ay inilibing at muling binuhay mula sa mga patay. Iyan ang ebanghelyo, ang magandang balita, ang kapangyarihan ng Diyos upang iligtas ang mga nanamapalataya. Put your faith in Jesus Christ.


Opo, madam. Iyon ang nasusulat sa Biblia, ang banal na Kasulatan.

- Full access to our public library
- Save favorite books
- Interact with authors
Ito ang kwento ng dalawang "anghel" na nagngangalang Mercy at Grace na nakilala ang isang babaeng nagngangalang Faith na naglalakad sa daan patungong kaligtasan.




- < BEGINNING
- END >
-
DOWNLOAD
-
LIKE(1)
-
COMMENT()
-
SHARE
-
SAVE
-
BUY THIS BOOK
(from $4.39+) -
BUY THIS BOOK
(from $4.39+) - DOWNLOAD
- LIKE (1)
- COMMENT ()
- SHARE
- SAVE
- Report
-
BUY
-
LIKE(1)
-
COMMENT()
-
SHARE
- Excessive Violence
- Harassment
- Offensive Pictures
- Spelling & Grammar Errors
- Unfinished
- Other Problem

COMMENTS
Click 'X' to report any negative comments. Thanks!